FACT-CHECK: Sinabi nga ba ni VP Leni na magdedeklara ng martial law si Pangulong Duterte?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT-CHECK: Sinabi nga ba ni VP Leni na magdedeklara ng martial law si Pangulong Duterte?
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jan 17, 2022 08:18 AM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:59 PM PHT

Noong January 8 ay kumalat ang isang manipulated o pinekeng video ni Vice President Leni Robredo kung saan may mga bahagi na pinatungan ng isang audio clip ang boses nya. Ayon sa ipinatong na audio, kailangan nang mag-imbak ng pagkain bilang paghahanda sa napipintong pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Duterte.

Ito ang caption ng Facebook post na naglalaman ng pinekeng video:
“MaMa LEni Nyo Nagkakalat na ng FAKENEWS. Ito ba ang gusto nyo Leader mukhang DESPERADA na ah? #thevoice”

Ang video na ito ay kinuha mula sa isang Facebook live ni Robredo noon pang Nov. 15, 2020, matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa nasabing orihinal na video, walang nabanggit si Robredo tungkol sa maaaring pagdedeklara in Pangulong Duterte ng Martial Law sa Pilipinas.

Tingnan ang orihinal na video dito:
Tingnan ang orihinal na video dito:
ADVERTISEMENT
Ang nasabing post na may pinekeng video ay mayroon nang 96,000 views, 2,300 reactions at 1,800 comments noong Jan. 13.

Ang audio clip naman na ipinatong sa tunay na boses ni Robredo ay nauna nang kumalat sa mga chats noong January 6.

Agad namang pinabulaanan ng Malacañang ang nasabing audio clip at sinabing hindi magdedeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte.

“Fake news po ito, huwag po tayong magpapaniwala sa mga ganitong uri ng balita,” Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles

Pero kahit pa naglabas na ng pahayag ang Malacañang ay patuloy pa ring kumalat ang audio clip.

Paalala naman ng Malacañang, iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon, lalo na sa social media.

“Tigilan n’yo na po ito, please. Hindi ito biro. You’re dealing with a real threat that understandably, concerns our people, and spreading baseless and malicious rumors contributes to unnecessary anxiety and to needless panic. Hindi po ito nakakatulong,” sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
Read More:
fake news
VP Leni
VP Leni Robredo
COVID-19
coronavirus
covid lockdown
Karlo Nograles
martial law
Rodrigo Duterte
social media
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT