2 sa mga pumuga sa Bilibid patay sa manhunt operations | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 sa mga pumuga sa Bilibid patay sa manhunt operations

2 sa mga pumuga sa Bilibid patay sa manhunt operations

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 17, 2022 08:17 PM PHT

Clipboard

Patay ang 1 sa 3 presong tumakas ngayong Lunes sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Larawan kuha ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Patay ang 1 sa 3 presong tumakas ngayong Lunes sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Larawan kuha ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Patay ang 2 sa 3 presong tumakas ngayong Lunes sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa matapos mauwi sa barilan ang follow-up operation na ikinasa laban sa kanila, sabi ng pulisya.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Pacifico Adlawan, na may kasong frustrated homicide, at Arwin Villeza Bio, na sangkot sa murder.

Nitong madaling araw ng Lunes, tumakas ang 2 kasama si Drakilou Falcon — na may kasong robbery with homicide — mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid.

Dumaan ang mga preso sa Gate 4 hanggang makalabas sa Gate 3 ng Bilibid patungong Sitio Magdaong. Sa kanilang pagtakas, nakipagbarilan pa sila sa mga prison guard.

ADVERTISEMENT

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatang prison guard.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Habang nagsasagawa ng mga manhunt operation ang Muntinlupa police at Bureau of Corrections (BuCor), napatay sina Adlawan at Bio.

May ilang guwardiya ring nasugatan sa engkuwentro laban sa mga pugante.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad si Falcon.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.