COVID-19 cases sa Pilipinas lampas kalahating milyon na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 cases sa Pilipinas lampas kalahating milyon na

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2021 05:16 PM PHT
|
Updated Jan 17, 2021 05:48 PM PHT

Sumampa na sa lampas kalahating milyon ang kabuuang nagkasakit ng COVID-19 sa Pilipinas.

Nakapagtala ngayong Linggo ang Department of Health ng 1,895 bagong kaso, dahilan para umakyat sa 500,577 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.

Pero sa bilang na iyon, 24,691 ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.

Nasa 465,991 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit, kung saan 5,868 ay naiulat ngayong Linggo sa ilalim ng "Oplan Recovery."

Nakapagtala rin ang health department ng 11 pagkamatay kaya umabot na sa 9,895 ang death toll.

Sa datos ng ABS-CBN Data Analytics, Agosto 2 noong isang taon nang maabot ng Pilipinas ang 100,000 COVID-19 cases.

Agosto 26 naman nang sumampa ang bilang sa 200,000 habang Nobyembre 11 nang umakyat ito sa 400,000.

Noong Enero 30 ng nakaraang taon nang unang makapagtala ang Pilipinas ng COVID-19 case sa isang babaeng Chinese na nagmula sa lungsod ng Wuhan, China, kung saan unang naiulat ang sakit.

Sa tala ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, umabot na sa 94.5 milyon ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan 2 milyon na ang namatay.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
Covid-19 cases
coronavirus Philippines update
Department of Health
Covid-19 pandemic
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT