Shabu na tinago sa kahon ng posporo, iba pang kontrabando nakumpiska sa Bilibid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Shabu na tinago sa kahon ng posporo, iba pang kontrabando nakumpiska sa Bilibid

Shabu na tinago sa kahon ng posporo, iba pang kontrabando nakumpiska sa Bilibid

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2020 08:24 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang sachet ng shabu, mga improvised na patalim, pera at iba pang kontrabando ang nakumpiska ng mga awtoridad sa mga preso sa loob ng New Bilibid Prison ngayong Huwebes.

Bandang umaga nang magkasa ng "Oplan Galugad" ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Reception and Diagnostic Center (RDC) ng Bilibid, kung saan isa-isang hinalughog ang mga detention cell.

Nakuha sa mga nakapiit ang mga droga at kontrabando, kabilang ang mga sachet ng shabu na itinago sa mga kahon ng posporo.

Sa RDC ipinapasok ang mga bagong salta sa Bilibid o iyong mga kagagaling lang ng mga city jail.

ADVERTISEMENT

Mananatili ang mga bagong salta sa RDC sa loob ng 60 araw para dumaan sa assessment bago ihalo sa iba pang mga nakakulong sa maximum, medium o minimum security compound.

Layon ng "Oplan Galugad" na disiplinahin at malaman agad ng mga bagong pasok sa Bilibid na hindi nito kukunsintihin ang ano mang kalokohan, gaya ng pagpasok ng mga kontrabando, ayon sa public information officer ng Bilibid na si Gabriel Chaclag.

Iniimbestigahan na rin ng BuCor kung paano napuslit ang mga kontrabando.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.