Panukalang rice tariffication pirma na lang ni Duterte ang kulang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panukalang rice tariffication pirma na lang ni Duterte ang kulang

ABS-CBN News
Published Jan 16, 2019 04:32 PM PHT
|
Updated Jan 16, 2019 04:58 PM PHT

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maisabatas ang panukalang mag-aalis ng limitasiyon sa inaangkat na bigas o rice tariffication bill, ayon sa Senado.

Martes nang maibigay ng Senado sa Office of the President ang plinantsang bersiyon ng Senate Bill 1998 at House Bill 7735.

Kasama sa panukala ang paglalaan ng pondo na magbibigay-ayuda sa mga rice farmer para sa paggawa ng bigas at ang makinaryang gagamitin nila rito.

Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong 2018, nanawagan si Duterte na ipasa ang rice tariffication bill para bumaba ang presyo ng bigas at masolusyonan ang "artificial" rice shortage sa bansa.

Pero pinangambahan ito ng ilang grupo dahil maaari umano itong magresulta sa dagdag-presyo sa ilang pangunahing bilihin tulad ng bigas at de-latang pagkain.

Nakaamba rin ang posibilidad na mawala ang National Food Authority (NFA) rice sa merkado sa pagsasabatas nito, ayon sa Department of Agriculture (DA).

-- May ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
balita
rice tariffication
bigas
Sherrie Ann Torres
bill
House Bill 7735
Pangulong Rodrigo Duterte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT