Libo-libo nakiisa sa Kuraldal Festival sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libo-libo nakiisa sa Kuraldal Festival sa Pampanga

ABS-CBN News
Published Jan 15, 2023 02:43 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Libu-libong deboto ang dumagsa sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Sasmuan, Pampanga para makisayaw at manalangin sa Kuraldal Festival ni Apung Lucia.

Ito ang bersyon ng mga taga-Pampanga ng sayaw sa Obando ng Bulacan at Sinulog ng Cebu.

Ang "Kuraldal" ay mula sa salitang Español na "curar," na ibig sabihin ay "to heal or to cure," at "dal" na isang salitang Sanskrit na nangangahulugang "split," kaya ang kabuuang kahulugan ay "to heal and away with illness."

Kasabay ng tugtog ng brass band, nagsasaya, nagpapalakpakan at naglulundagan ang mga magpapamilya at magkakaibigan at karamihan may bitbit ang mga anak habang sumisigaw ng "Viva! Apung Lucia! Pwera (ilayo sa) sakit!"

Maraming deboto ang dumarayo sa bayan sa pinaniniwalaang nakapagpapagaling ang santo ng iba't ibang sakit.

"Pinaniniwalaan na nagpapagaling dahil doon sa kaniyang milagro dahil na rin sa pananampalataya ng mga tao at deboto niya," ani Jayson Salenga, tourism officer ng Samsuan.

Ipinagdiriwang ito sa bayan ng Sasmuan sa loob nang limang araw simula Enero 6.

Sa ikalimang araw, gaganapin ang isang "Kawakasan" o "Pangwakas" na okasyon para tapusin ang pagdiriwang. Pagkatapos ng Misa sa gabi, magsasayawan ang mga tao hanggang madaling araw o umaga.

Iba naman ang bersiyon ng Kuraldal sa bayan ng Sta. Ana, Pampanga.

Bukod sa prusisyon ng mga santo, ang pagsayaw ng mga deboto sa "Kuraldal" ay mula gabi hanggang umaga o minsa'y inaabot pa ng hapon sa susunod na araw.

Tumatagal ito dahil dinadala ang mga imahe ng santo o patron ng bawat barangay, sa bawat kalye, eskinita at sa loob ng bawat bahay.

Kung ang barangay ay may 5,000 na bahay, ang banal na imahe ay dadalhin sa loob ng bawat isa sa mga 5,000 bahay.

Ito ang kanilang reenactment ng paghahanap ng tatlong hari sa sanggol na Hesus na nakatago sa isang sabsaban.

Kahit bumuhos ang ulan, itinuloy ang Kuraldal sa paniniwalang bubuhos ang pagpapala ng Diyos.

— Ulat ni Gracie Rutao
— Ulat ni Gracie Rutao
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Pampanga
Samsuan
Sta Ana
religious festival
Kuraldal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT