PatrolPH

#WalangPasok: Enero 15 dahil sa COVID-19 surge

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2022 12:13 AM

MAYNILA — Nag-anunsiyo ang ilang local government unit ng suspensiyon ng klase sa mga paaralan sa kanilang mga lugar simula Enero 15 hanggang 22.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar: 

  • Maynila (lahat ng antas)
  • Valenzuela (college level)
  • San Juan (lahat ng antas)
  • Pasay (lahat ng antas)

Nitong Biyernes, 37,207 ang bilang ng mga bagong nagka-COVID-19 sa Pilipinas. 

Nasa 47.3 porsiyento naman ang positivity rate sa bansa na pinakamataas mula nang magsimula ang pandemya. 

Dahil sa banta ng COVID-19, ilang unibersidad at paaralan ang nagkansela ng klase noong huling linggo bilang pag-iingat.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.