PatrolPH

3 bahay nasunog sa Zamboanga City

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2021 11:48 AM

3 bahay nasunog sa Zamboanga City 1
Tatlong malalaking bahay ang nasunog sa sunog na sumiklab sa Purok 6, Macatangay Drive sa San Jose, Zamboanga City. Contributed photo

Tatlong malalaking bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Purok 6, Macatangay Drive, San Jose, Zamboanga City, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bago mag alas-5 ng madaling araw.

Umabot ng higit isang oras ang sunog bago tuluyang naapula, ayon kay Fire Chief Inspector Jacqueline Ortega, District Fire Marshall ng BFP.

Tinatayang aabot sa P750,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.