Pasahero ng LRT-1 nahulog sa riles | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pasahero ng LRT-1 nahulog sa riles

Pasahero ng LRT-1 nahulog sa riles

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 15, 2020 09:37 AM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) — Panandaliang nahinto ang operasyon ng LRT-1 ngayong Miyerkoles ng umaga matapos mahulog sa riles ang isang babaeng pasahero, ayon sa awtoridad.

Nahilo ang naturang pasahero bago ito mahulog sa riles sa Doroteo Jose Station, ani Jacqueline Gorospe, corporate communications head ng Light Rail Manila Corporation.

Itinigil aniya ang operasyon ng LRT-1 para matulungan ang babae, na dinala agad sa ospital. Nagtamo ito ng galos sa mukha at patuloy na inoobserbahan, ayon kay Jun Rodriguez, supervisor ng LRT-1 sa Doroteo Jose Station.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga pasahero na kung makaramdam ng pagkahilo ay ipagbigay-alam sa kanilang mga guwardiya at mga kasabay na pasahero para matulungan.

ADVERTISEMENT

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-1 sa mga naabalang pasahero.

Balik-normal na ang operasyon ng railway, dakong alas-8 ng umaga. --May ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.