NDRRMC: Mga apektado ng bulkang Taal, umakyat sa 10,455 pamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NDRRMC: Mga apektado ng bulkang Taal, umakyat sa 10,455 pamilya

NDRRMC: Mga apektado ng bulkang Taal, umakyat sa 10,455 pamilya

ABS-CBN News

Clipboard

Pumalo na sa 10,455 na pamilya ang naapektuhan ng pag-aalboroto ng bulkang Taal pagpatak ng Miyerkoles, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mas mataas ito kumpara sa huling naitalang bilang na 9,527 na pamilya nitong Martes ng tanghali.

Nananatili sa 189 evacuation center ngayon ang 9,508 apektadong pamilya.

Karamihan sa kanila ay mula sa bayan sa Alitagtag, Balayan, Batangas City, Bauan, Calaca, Calatagan, Lian, San Pascual, Sto. Tomas at Tuy, Batangas. May mga lumikas din sa ilang bayan sa Cavite tulad ng Alfonso at Tagaytay.

ADVERTISEMENT

Sa huling tala naman ng Department of Agriculture (DA), aabot na sa P577 milyong halaga ng agrikultura ang napinsala ng pagsabog ng bulkang Taal.

Karamihan sa mga ito ay mula sa 2,000 iba’t ibang klase ng hayop at mga pananim tulad ng kape, palay, mais, saging, cacao at iba pa.

Agad namang magsasagawa ang DA ng soil sampling at analysis sa mga naapektuhang agricultural area.

Maaari umanong maging uri ng pataba ang volcanic ash na pwedeng makatulong para mabawi ang mga nasirang mga pananim. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.