3 kasapi ng animal rescue team, stranded sa Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 09:05 AM | Updated as of Jan 15 2020 09:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Tatlong kasapi ng isang animal welfare's group ang stranded ngayon sa Taal island, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Anna Cabrera, executive director ng Philippine Animal Welfare Society, pawang miyembor ng organisasyong People for the Ethical Treatment of Animals o PETA ang tatlo.

"I think they were trying to rescue the animals pero naiwan po sila kung sino man po 'yung nagdala sa kanila doon," ayon kay Cabrera.

Sa panayam sa DZMM, humingi ng tulong si Cabrera para matimbrehan ng Philippine Coast Guard para makuha ang tatlo mula sa isla.

"Ngayon lang po sila tumawag sa akin. Kaninang umaga lang sila nagpunta, tinawagan ako kasi iniwan sila po nung nagdala sa kanila doon. Kinuha po yung mga baka, iniwan yata po sila," sabi niya.

Hindi naman aniya nasabi ng mga na-stranded ang kanilang eksaktong lokasyon.

"Naku hindi nila nabanggit...doon sa may mga naiwang kabayo," sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.