PANOORIN: Bulkang Mayon, patuloy na nagbubuga ng lava

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2018 11:56 PM | Updated as of Jan 15 2018 11:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patuloy na nagbubuga ng lava ang Bulkang Mayon sa Legazpi City Lunes ng gabi.

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagkaroon ng isang event ng "lava fountaining" ang bulkan bandang alas-10 ng gabi.

Isa ito ngayon sa mga tinitingnang dahilan ng Phivolcs kung itataas sa Alert Level 4 ang estado ng bulkan.

Larawang kuha ni Joshua Eric Velasco Dandal nitong Lunes ng gabi, Enero 15, 2018

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-assess ng Phivolcs sa sitwasyon ng bulkan.

Tinitingnan rin ang ibinubugang asupre ng bulkan.

Dahil sa masamang panahon, nahirapan ang Phivolcs na sukatin ang sulfur dioxide emission nitong mga nakaraang araw. - ulat ni Thea Omelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.