Respondents sa Dacera case, inalala ang 'mental torture' sa kulungan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Respondents sa Dacera case, inalala ang 'mental torture' sa kulungan

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2021 12:44 AM PHT

MAYNILA- Umiiyak habang inaalala ni JP dela Serna ang hirap na pinagdaanan nila habang sila ay nakakulong sa Makati Police station noong mamatay si Christine Dacera.

Emotional at mental torture umano ang kanilang sinapit doon dahil sa mga ginawa sa kanila. Ni hindi umano nila nakain ang mga pagkaing dala ng kanilang pamilya para sa kanila dahil inuunahan sila ng ibang preso. Hindi rin umano sila nakatulog nang maayos dahil sa sikip at hindi rin makakilos nang maayos dahil nakaposas sila.

"Hindi kami makatulog, there’s no space to lie down no space makausap, 'di makaisip ng maayos. Nag-visit mommy ko 'yung ibang preso sila pa nauuna kumain sa amin. Nakakulong kami the whole time I don't feel we’re treated as people nakaposas kami for 5 days," ani Dela Serna.

Si Rommel Galido, namaga pa umano ang kamay dahil sa sikip ng posas. Na-pressure umano sila dahil sa pamimilit ng pulis at ng pamilya Dacera na magturo sila ng mga taong may kinalaman sa pagkamatay ni Christine.

ADVERTISEMENT
"Fino-force kmi na dapat magturo kami ng someone kapalit ng kalayaan namin. Wala akong alam kung ano gagawin ko, gulong-gulo isip ko, ayaw ko na. Nasabi ko si Mark kasi siya 'yung hindi talaga namin kilala, kailangan ako magturo para sa kalayaan ko. Wala akong choice," ayon naman kay Galido.

Pinangakuan din umano silang makakalaya at gagawin silang witness kapag may maituturo silang suspek. Dahil dito, naituro nila si Mark Anthony Morales na hindi rin nila gaanong kakilala.

Nadismaya sila dahil hindi natupad ang pangako na hindi sila kakasuhan.

Pero makalipas silang sampahan ng kaso, may inihanda nang counter-affidavit ang kanilang kampo.

Hinihintay din nila ang resulta ng mga forensic investigation ng National Bureau of Investigation sa mga labi ni Christine. Gusto na rin nilang malaman ang mga sinabi ng mga lumantad na occupants ng room 2207.

May hinihintay din silang bago umanong CCTV videos na hawak ng Philippine National Police.

Isusumite na nila ang counter-affivadit habang hinihintay ang development sa mga takbo ng imbestigasyon ng NBI at CIDG.