2 lalaking bagong laya, pinagbabaril sa loob ng jeep sa Quiapo

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 04:43 PM | Updated as of Jan 14 2021 08:25 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang dalawang lalaking kalalaya lamang sa kulungan matapos pagbabarilin sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Ayon sa chairman ng Barangay 310, parehong may kasong robbery holdup ang dalawang biktima at kalalaya lamang sa city jail nang maganap ang pamamaril.

Kasasakay lamang sa jeep ng dalawang biktima at hindi pa nga nakakaalis ang sasakyan nang dumating ang riding-in-tandem na suspek at pinagbabaril sila.

Wala naman umanong ibang nasugatan sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.