Bus driver na sinita nanakit umano ng MMDA enforcer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus driver na sinita nanakit umano ng MMDA enforcer

Henry Atuelan,
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2019 03:40 PM PHT

MAYNILA - Inihahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority ang reklamong isasampa nila laban sa isang bus driver na nanakit umano ng enforcer Lunes ng umaga.

Pinara umano ni Traffic Constable Jonatahan Baingan ang driver ng Ismael Bus Line dahil nagpasakay at nagpababa umano ito sa maling lugar sa EDSA southbound malapit sa Boni Avenue.

Akma umanong patatakbuhin patakas ni Ronald Gonzaga ang minamanehong bus kaya tinapik ni Baingan ang likod ng pampasaherong sasakyan.

Dahil dito, bumaba ang driver at dinibdiban umano ang enforcer, bagay na nakaagaw ng atensiyon ng grupo ni MMDA Traffic Head Bong Nebrija sa lugar.

Dinala ng grupo ni Nebrija ang driver sa traffic sector ng Mandaluyong police dahil sa pananakit pero hindi umano kinatigan ang reklamo ng enforcer dahil "technicality."