1 patay, 3 nawawala sa landslide at pagguho ng pader sa Tacloban | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 3 nawawala sa landslide at pagguho ng pader sa Tacloban

1 patay, 3 nawawala sa landslide at pagguho ng pader sa Tacloban

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 14, 2018 05:23 PM PHT

Clipboard

Courtesy: Antonio Ang, Jr.

Isa ang patay habang tatlo pa ang nawawala kasunod ng pagguho ng lupa at malaking pader sa Tacloban city.

Bumigay ang pader kasabay ng pagguho ng lupa bunsod ng walang tigil na malakas na ulan sa lungsod kagabi, Enero 13.

Natukoy ang nasawing biktima na si Delia Carson, 64 anyos, chief tanod ng Barangay 43-B.

Kuwento ng kaniyang nakaligtas na mister na si Sonny Carson, lumabas ng bahay si Sonny para tingnan ang itinuturo ng kapitbahay na pagguho ng lupa.

ADVERTISEMENT

Courtesy: Antonio Ang, Jr.

Courtesy: Antonio Ang, Jr.

Hindi aniya nagtagal, biglang bumigay ang pader sa kanilang lugar.

Nadaganan din siya ng ilang natumbang kahoy, pero nakaligtas din naman siya at ang apo.

Tatlong iba pa ang nawawala at pinangangambahang natabunan ng gumuhong lupa.

Patuloy naman ang paghahanap sa kanila, pero pahirapan ito dahil na rin sa patuloy na pag-ulan.

Ayon naman kay Tacloban City Mayor Cristina Romualdez, iimbestigahan nila kung bakit gano'n kadaling bumigay ang malaking pader na nakapaligid sa mga bahay.

Nanawagan din siya sa mga residenteng nasa landslide-prone areas na lumikas na para maiwasan ang peligrong may matabunan pang muli ng guho.

Sinegundahan ito ng Office of Civil Defense na nagsabing inaasahan pa rin ang malalakas na ulan ngayong Linggo.

-- Ulat nina Jenette Ruedas at Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.