Suplay ng face mask nagkakaubusan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suplay ng face mask nagkakaubusan na

Suplay ng face mask nagkakaubusan na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 13, 2020 09:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Nagkaubusan ng face mask sa mga tindahan ngayong Lunes dahil sa mataas na demand kasunod ng ashfall na dulot ng pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Sa isang abiso, sinabi ng Mercury Drug Store na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga supplier para mapalitan ang kanilang supply.

Prayoridad umano ng kompanya na mabigyan ng face mask ang mga lugar na malapit sa Taal Volcano.

Nilinaw din ng Mercury Drug na hindi sila magtataas ng presyo at magho-hoard ng face mask.

ADVERTISEMENT

Nagbabala naman ang Department of Trade and Industry na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga negosyanteng mahuhuling magtataas ng presyo ng face masks para manamantala.

Watch more in iWantv or TFC.tv

TAAS-PRESYO SA MAYNILA

Sa Maynila, pinagpapaliwanag ng pamahalaang lungsod ang ilang tindahan ng medical supplies sa Bambang dahil sa pagtaas ng presyo ng face mask.

Mula P75, umakyat sa P120 ang presyo ng face mask sa ilang tindahan, base sa pag-iikot ng mga tauhan ng Manila City Hall.

Sa Sampaloc, P150 naman ang bentahan ng N95 face mask sa isang tindahan.

Katuwiran ng mga nagtitinda ay nagtaas din daw ang presyo ng suppliers.

Watch more in iWantv or TFC.tv

'DI NA KAILANGAN

Pero ayon sa University of the Philippines College of Science, hindi na kailangang magsuot ng face mask ng mga taga-National Capital Region (NCR) dahil sa magandang kalidad ng hangin.

Tanging ang malalaking particles lang ng volcanic ash ang bumaba sa NCR. Nakatulong daw ang malamig na hangin para mapigilan ang delikadong ash.

Nauna nang nagbabala ang Department of Health sa paglanghap ng mapanganib na volcanic ash, na naglalaman ng acid at ilang kemikal.

Maaari raw itong magdulot ng pag-atake ng asthma, bronchitis, at emphysemia.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.