3 bahay sa QC, nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 bahay sa QC, nasunog
3 bahay sa QC, nasunog
Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jan 13, 2018 09:40 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Fire out na ang sunog sa Project 6, QC. Posibleng electrical overload, tinitingnang sanhi. pic.twitter.com/hClV6nOGuE
— Jekki Pascual (@jekkipascual) January 12, 2018

MAYNILA - Tatlong bahay sa loob ng isang compound ang nasunog, Sabado ng umaga sa Project 6, Quezon City.

Sumiklab ang apoy pasado ala-6 ng umaga sa Road 2.

Kuwento ni Jonathan Senono, umuupa sa isa sa mga bahay, nakarinig siya ng dalawang malakas na pagsabog.

Nagsimula umano ang sunog sa tree house na inuupahan din ng isang hospital worker. Pero walang tao sa tree house dahil nasa trabaho ang umuupa.

Ilang bahay sa Project 6, Quezon City, nasusunog. Second alarm, itinaas. pic.twitter.com/0Vr7SJtB49
— Jekki Pascual (@jekkipascual) January 12, 2018
Ilang bahay sa Project 6, Quezon City, nasusunog. Second alarm, itinaas. pic.twitter.com/0Vr7SJtB49
— Jekki Pascual (@jekkipascual) January 12, 2018
Hindi pa malaman ang sanhi ng sunog, pero ayon sa fire investigator na si Insp. Rosendo Cabillan, posibleng may naiwang gadget o appliances na naka-saksak kaya nag-electrical overload.

Hinihintay pa nila ang umuupa sa tree house para sa kaniyang salaysay.

Nasa P75,000 ang inisyal na taya sa halaga ng nasira sa sunog na umabot ng ikalawang alarma bago naapula.