LTO, huhulihin ang mga e-bike na walang rehistro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTO, huhulihin ang mga e-bike na walang rehistro

LTO, huhulihin ang mga e-bike na walang rehistro

Kevin Manalo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nababahala ang Land Transportation Office (LTO) sa pagsulpot ng mga electronic bike (e-bike) na walang rehistro, at minamaneho ng mga driver na walang lisensya.

Dumarami raw kasi ang nagaakala na hindi ito sakop ng batas, lalo na at may kumakalat na marketing materials na nagsasabing hindi na kailangan ang rehistro kapag bumili ng e-bike.

Ayon sa LTO, saklaw ng Land Transportation Code ang electronic vehicles. Hindi umano maaaring gawing dahilan ng mga nagbebenta at bumibili ng e-bike ang kawalan ng kaalaman sa batas upang hindi managot sa paglabag dito.

"Hindi ka dapat nago-operate [ng e-bike] kung walang lisensya. Ang presumption, hindi mo alam kasi wala kang training…Ang registration, mandatory requirement iyan para sa insurance," ani Francis Almora, direktor ng law enforcement service ng LTO.

ADVERTISEMENT

Ngayong linggo ay nakakumpiska na umano ang LTO ng ilang e-bike na idinaan ng mga motorista sa EDSA, Commonwealth Avenue, at mga malalaking lagusan sa Pasay.

Ang mga ito ay irerehistro muna bago payagang matubos ng mga may-ari.

Upang matubos ang mga sasakyang hindi rehistrado ay kailangang magbayad ng P10,000. Ang mga mahuhuli namang nagmamaneho na walang lisensya ay hindi mabibigyan kahit ng student permit sa loob ng isang taon.

Ayon sa isang tindahan ng e-bike sa Caloocan ay hindi raw nila alam na bawal pala na ilabas ang e-bike na walang rehistro at lisensya ang may-ari.

“Mabenta po ito, 20 piraso na iyong nadi-dispose namin sa customers…Wala namang sinabi sa amin, basta no license, no registration…Wala pa ako nakitang nakarehistrong e-bike,” ani Romelle Angeles, isang tindero ng e-bike.

Nagsasagawa na rin ang LTO ng inventory upang malaman kung sinu-sinong dealer ang nagbebenta ng mga ito, at saka ipapatawag sa opisina.

Kapag kumpleto na ang mga dokumento ng reklamo ay posibleng masampahan ng kaso ang mga dealer ng e-bike.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.