Sundalo nasawi matapos tangayin ng tubig sa Northern Samar | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sundalo nasawi matapos tangayin ng tubig sa Northern Samar

Sundalo nasawi matapos tangayin ng tubig sa Northern Samar

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Patay ang isang sundalo matapos siya matangay umano ng rumaragasang tubig sa bayan ng San Isidro, Northern Samar.

Ayon sa Philippine Army nitong Miyerkoles, naanod si Corporal Jerry Palacio ng 43rd Infantry Battalion habang tumatawid sa isang tulay sa Sitio KM7 sa Brgy. Happy Valley nitong Lunes, Enero 9.

Ang naturang tulay ay umaapaw dahil sa baha kaya natangay ang sundalo.

Nahanap ang katawan ni Palacio sa isinagawang retrieval operation sa Mauo River, Sitio Marasbaras na tatlong kilometro ang layo kung saan siya naanod.

ADVERTISEMENT

Papunta sana umano ang sundalo sa Barangay Poblacion kung nasaan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

“Our thoughts and prayers are with Corporal Palacio’s family and loved ones during this difficult time, he died trying to save the people of Northern Samar," ani Major General Camilo Ligayo, commander ng 8th Infantry Division.

"The Philippine Army will provide appropriate support and assistance to the bereaved family," dagdag niya.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.