Rerouting scheme ipinatupad sa Marikina Bridge | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rerouting scheme ipinatupad sa Marikina Bridge

Rerouting scheme ipinatupad sa Marikina Bridge

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Mas maayos na daloy ng trapiko ang sumalubong ngayong Huwebes sa mga motoristang dumadaan sa Marikina Bridge matapos magpatupad ng bagong traffic scheme.

Ito'y matapos isara ang bahagi ng isang lane ng tulay na papuntang Cubao, Quezon City matapos makitaan ng mga bitak.

Sa rerouting shceme, hindi na muna pinapadaan sa Marikina Bridge ang mga truck para hindi maapektuhan ang mga motorista.

Naglagay din ng zipper lane para maging 2 ang lane na dadaanan ng mga motorista pa-Cubao, ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

ADVERTISEMENT

"Nagdagdag tayo ng zipper lane para ang mga palabas ng Marikina ay mabilis na makalabas at makatungo sa kanilang paroroonan," sabi ng alkalde.

Ginhawa naman para sa ilang motorista ang rerouting scheme.

"Hindi naman masyadong traffic kompara noong mga nakaraang araw," sabi ni Manuel Estolata, na araw-araw dumadaan ng tulay.

Ayon kay Teodoro, patuloy ang pagsasaayos sa bahagi ng tulay, na inaasahang magagamit ulit sa weekend.

Suspendido din muna ang trabaho sa ginagawang drainage system, na sinasabing sanhi ng bitak sa tulay, ani Teodoro.

—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.