Bahagi ng Marikina Bridge sarado para sa pagsasaayos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng Marikina Bridge sarado para sa pagsasaayos

Bahagi ng Marikina Bridge sarado para sa pagsasaayos

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 11, 2023 07:42 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Sarado ngayong sa mga motorista ang bahagi ng Marikina Bridge upang bigyang daan ang ilang pagsasaayos matapos makitaan ng mga bitak ang tulay.

Enero 6 nang i-report sa local government unit (LGU) ng Marikina ng isang concerned citizen ang mga bitak sa tulay, kung saan may ginagawang drainage project.

Matapos magsagawa ng physical checkup, lumabas na dinaanan ng tubog ng drainage project ang approach o bukana ng tulay. Napasukan na rin umano ng tubig ang hukay dahil sa mga pag-ulan nitong nagdaang linggo.

"Pumasok iyong tubig doon sa pinaka-base o pinakaibaba ng approach ng tulay dahil may hukay na nagawa," ani Teodoro.

ADVERTISEMENT

Nauna nang sumulat si Teodoro sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Enero 6, kung saan nakasaad na handa ang LGU na maghain ng legal actions kung hindi mabibigyan ng agarang aksiyon ang problema sa tulay.

Muling sumulat ang alkalde noong Enero 7, kung saan indefinite suspension na ng DPWH project ang demanda ng LGU dahil mayroon aniyang safety issue na dulot ang mga bitak sa tulay.

Sa isang pulong noong Martes, nangako ang DPWH ng agarang aksiyon at isinara muna ang bahagi ng isang lane ng tulay na papuntang Cubao.

"Kung dulot ito ng construction ng drainage na ginagawa ay kailangan ding managot iyong mga ginagawa dito. At managot dito iyong dapat na nagsu-supervise o nago-oversee ng paggawa ng sangay ng Department of Public Works," ani Teodoro.

"Dine-demand na namin sa DPWH iyong agarang rectification, repair. Kaakibat nito, dine-demand din namin na mailabas na agaran ngayon iyong official geotechnical report para malaman natin kung talagang ligtas ng gamitin iyong tulay," dagdag niya.

Sa pahayag ng DPWH-National Capital Region, sinabi nitong nagsasagawa na sila ng geotechnical investigation para maaksiyunan ang nangyari.

Inabisuhan din ang mga motoristang mag-menor habang papalapit sa tulay o maghanap muna ng alternatibong ruta.

Tinakpan ng buhangin ang mga bitak sa bangketa habang may asphalt sealant ang nasa mismong kalsada.

Nasa 30 hanggang 40 taon na ang Marikina Bridge, na dinadaanan ng mga papasok sa Marikina o papuntang Rizal gayundin ng mga palabas ng lungsod papuntang ibang lugar sa Metro Manila, ani Teodoro.

Na-retrofit na umano ang tulay sa nakalipas na 5 taon.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.