Mga hotel na quarantine facility, di puwedeng tumanggap ng 'staycation' guests: DOT | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga hotel na quarantine facility, di puwedeng tumanggap ng 'staycation' guests: DOT

Mga hotel na quarantine facility, di puwedeng tumanggap ng 'staycation' guests: DOT

ABS-CBN News

Clipboard

Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News/ File

MAYNILA — Nagpaalala ngayong Martes si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility na hindi maaaring tumanggap ang mga ito ng "staycation" guests.

Ayon kay Puyat, maaaring ipasara ang mga hotel na parehong magsisilbing quarantine facility at pang-staycation.

"Nagbigay na kami ng warnings. Kung gawin pa nila ulit, isasara na sila. Kung sige pa rin ang pagsisinungaling, siguro naman ipapasara na sila," ani Puyat sa isang press briefing.

Ayon kay Puyat, ang mga sumusunod na hotel lamang sa Metro Manila ang maaaring tumanggap ng staycation:

ADVERTISEMENT

  • Grand Hyatt Hotel
  • Makati Shangri-La Hotel
  • Okada Manila Hotel
  • Shangri-La at the Fort
  • Nobu Hotel
  • Joy Nostalg Hotel & Suites Manila
  • EDSA Shangri-La Manila
  • Solaire Resort
  • Hyatt Regency City of Dreams
  • Nuwa Hotel City of Dreams
  • The Peninsula Manila
  • Aruga by Rockwell
  • Sheraton Manila Hotel
  • Hilton Manila & Hotel Okura Manila

Puwede naman daw mag-apply ang ibang 4- o 5-star hotel ng lisensiya para mag-operate bilang staycation hotel, sabi ni Puyat.

"Kung gusto n'yo mag-open for leisure, mag-apply kayo. Kung quarantine facility then quarantine," anang kalihim.

Noong mga huling buwan ng nakaraang taon, pinayagan na ang staycation sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, na layon ding mapalakas ang domestic tourism.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.