Mag-ama, nakaligtas sa tumaob na bangka sa Aklan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-ama, nakaligtas sa tumaob na bangka sa Aklan

Mag-ama, nakaligtas sa tumaob na bangka sa Aklan

ABS-CBN News

Clipboard

Pinagtulungan ng mga residente na masagip ang mag-amang mangingisda matapos na tumaob ang kanilang bangka pabalik ng pampang sa Aklan. Larawan mula kay Beverlyn Flores

Nakaligtas ang isang mag-amang mangingisda matapos na tumaob ang bangkang sinasakyan nila sa Polo, New Washington sa Aklan, Martes ng umaga.

Sakay ng nasabing bangka ang mag-amang sina Arsenio Flores Jr., 60-anyos, at anak niyang si Aner Flores, 29.

Ayon sa mag-ama, pabalik na sila sa pampang matapos mangisda nang biglang lumakas at lumaki ang alon dahilan upang mawalan sila nang kontrol sa bangka.

Buti na lang at may mga residenteng nakakita at agad na tumulong sa kanila.

ADVERTISEMENT

Nilangoy ng mga mangingisdang sina Anthony Daroy, Albert Bautista at Carlos Caballero ang kinaroroonan ng mag-ama para magdala nang lubid nang mahatak sa tabing dagat ang kanilang bangka.

Sa ngayon ay ligtas na ang mag-ama at nasa mabuting kalagayan matapos mabigyan nang paunang lunas. - ulat mula kay Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.