Estudyanteng kinidnap na-rescue ng pulisya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyanteng kinidnap na-rescue ng pulisya

Estudyanteng kinidnap na-rescue ng pulisya

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 12, 2021 10:51 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Na-rescue ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) ang 21 anyos na estudyante na dinukot sa kanilang lugar sa Barangay Mariana, Quezon City noong Disyembre 31.

Sa kuha ng CCTV kung saan kitang nagbibisekleta ang biktima ay kita ang pagharang sa kaniya sa kanto ng anim na salarin na noo'y sakay ng isang van.

Hirit ng kidnappers, P200 milyon kapalit ng pagpapalaya sa estudyante. Pero kalaunan ay naibaba ito sa P1.5 milyon matapos ang negosasyon.

Enero 5 naganap ang pay-off sa Bustos, Bulacan at noon din ay na-release ang biktima sa Ermita, Manila.

ADVERTISEMENT

Matapos noon, inimbitahan ng pulis ang may-ari ng pick-up na ginamit para kumuha ng ransom money. Kinilala siya na si Ma. Rachel Gonzales.

Ayon sa biktima, dawit si Gonzales sa pagkidnap sa kaniya.

Naaresto rin ang sinasabing bantay ng biktima sa safehouse na pinagtaguan sa kaniya.

Ayon sa PNP-AKG, posibleng may iba talagang target ang mga suspek.

"Napag-alaman natin ang target nila ay isang mayaman din diyan sa New Manila, eh ito nakita nila pakalat-kalat, nagbibisekleta, Chinese-looking kaya kinuha na nila... Itong white van inarkilahan lang nila 'yan," ani Police Maj. Ronnie Lumactod, public information officer ng PNP-AKG.

Sa ngayon, naisampa na ang kaso laban sa ibang suspek at isinailalim na rin sa debriefing ang biktima.

Sa ngayon, 5 hanggang 6 na suspek pa ang tinutugis ng PNP-AKG, kabilang na ang itinuturong mastermind sa kidnapping.

–Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.