Puno ng pasa, basag ang bungo: 7 anyos natagpuang patay sa Pasig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Puno ng pasa, basag ang bungo: 7 anyos natagpuang patay sa Pasig

Puno ng pasa, basag ang bungo: 7 anyos natagpuang patay sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Puno ng pasa at basag ang bungo ng isang 7 anyos na batang babae nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang bahay sa Pasig City, umaga nitong Linggo.

Naaresto rin ang nagmamay-ari ng bahay na si Gomer Subido, ang pinaghihinalaang pumatay sa biktima.

Kuwento ng mga kaanak ng biktima, huling nakita ang bata na si alyas "Tina" na naglalaro sa kanilang komunidad, gabi ng Sabado.

Bandang alas-9 ng gabi ay nagtaka na ang mga magulang ni Tina sa kinaroroonan nito at dito na sila nagsimulang maghanap.

ADVERTISEMENT

May nakapagsabi umano sa kanilang saksi na nakita nilang bitbit ni Subido ang bata.

Agad na pinuntahan ng mga kaanak ang bahay ni Subido pero itinanggi nitong andon ang bata.

Muling bumalik ang mga kaanak ng biktima, kasama ngayon ang pulisya. Pero wala na ang suspek at nakita lang ang katawan ng biktima na nakabalot sa kumot.

Puno ng pasa at basag ang bahagi ng ulo ng biktima. Ayon sa mga kaanak ng biktima, tanggal din ang mga ngipin ng bata at duguan ang pribadong parte na tanda umano ng panlalaban nito.

Naghihinagpis ang ina ng bata dahil itinuring daw nilang kaanak si Subido. Madalas din daw ang suspek na makipaglaro kasama ang mga bata.

Batay naman sa ulat ng mga residente, laging lasing ang suspek at kilala umanong nambabastos ng kababaihan.

Dati na umano itong nakulong dahil sa kasong panggagahasa ng sariling anak.

—Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.