Ilang lugar na sakop ng Maynilad, pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 09:45 AM

MAYNILA—Nag-abiso ang Maynilad na mawawalan ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Maynila, Caloocan, Malabon, at Navotas simula alas-4 ng hapon Lunes hanggang alas-5 ng umaga Martes.

Ayon sa pahayag ng Maynilad nitong Biyernes, magkakaroon ng leak repair sa kanto ng C3 at Dagat-Dagatan sa Caloocan kaya apektado ang ilang barangay malapit dito. 

Hihina ang pressure ng tubig o mawawalan ng supply ang mga sumusunod na lugar:

Tondo, Maynila 
- Barangay 124 hanggang 127
- Barangay 129 hanggay 146
- Barangay 177

Caloocan
- Barangay 12, 14, 20, 28, 31, 35

Malabon
- Barangay Longos
- Barangay 31

Navotas
- Barangay Bangkulasi
- Barangay North Bay Boulevard
- Barangay San Rafael 

Paalala ng Maynilad, kung may mga nakitang leak sa lugar, tumawag agad sa hotline 1626 para maayos ang pipe. — Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.