Kalsada sa Agusan del Sur binaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kalsada sa Agusan del Sur binaha

Kalsada sa Agusan del Sur binaha

Richmond Hinayon,

ABS-CBN News

Clipboard

Ang tuloy-tuloy na pag-ulan ang dahilan ng pagbaha sa kalsada ng Purok 6 sa Barangay Lucena sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur. Richmond Hinayon, ABS-CBN News


PROSPERIDAD, Agusan del Sur - Binaha ang kalsada ng Purok 6, Barangay Lucena sa nasabing bayan matapos ang walang tigil na pag-ulan Huwebes hanggang Biyernes dahil sa trough o extension ng low pressure area (LPA).

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), aabot sa 4 feet ang taas ng baha sa kalsada dahil sa pag-apaw ng Sianib River.

Lubog din sa baha ang mga palayan doon.

Dahil sa taas ng tubig, hindi na makadaan ang mga maliit na sasakyan at bus kaya marami ang na-stranded na sasakyan at pasahero.

ADVERTISEMENT

Tumulong na ang 26th Infantry Battalion ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at PDRRMO para makatawid ang mga tao.

Ginamit na ang military truck at mga dump truck ng provincial government ng Agusan Del Sur para sa pagtawid sa binahang kalsada.

May naka-standby naman na backhoe kung sakaling may magka-aberya na sasakyan.

Buhay din ang bayahihan sa mga residente doon at tulong-tulong na isinakay ang mga motorsiklo at mga produktong agrikultura sa isang taro at pinagtulungang hilahin ng mga tao para makarating sa kabilang kalsada.

May ipinapagawa nang tulay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kalsada dahil palagi itong binabaha tuwing umuulan.

Ang kalsada ay ang tanging daan papunta sa apat na bayan ng Talacogon, San Luis, La Paz at Loreto sa Agusan del Sur.

Ayon sa PAGASA, maaring hindi maging ganap na bagyo ang LPA pero nagbabala ito ng mga pag-ulan sa bahagi ng Mindanao, Bicol Region at Eastern Visayas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.