Nasa 2,000 bilanggo ng Bilibid nagparehistro para sa brgy, SK elections | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 2,000 bilanggo ng Bilibid nagparehistro para sa brgy, SK elections

Nasa 2,000 bilanggo ng Bilibid nagparehistro para sa brgy, SK elections

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakapagparehistro na ulit ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison para makaboto sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections. Michael Delizo, ABS-CBN News
Nakapagparehistro na ulit ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison para makaboto sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections. Michael Delizo, ABS-CBN News

Higit 2,000 bilanggo mula sa New Bilibid Prison (NBP) ang nakapagparehistro ngayong Miyerkoles para makaboto sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Bahagi ito ng special satellite registration na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) sa mga detention facility sa Pilipinas, na siya ring hudyat ng pagpayag muli sa mga person deprived of liberty na makaboto sa national at local elections.

Sa NBP, umabot sa 2,084 bilanggo ang nagpalipat ng registration sa Muntinlupa City para makaboto sa barangay at SK elections ngayong taon.

"Itong darating na halalan, ito ‘yung unang pagkakataon matapos ang desisyon ng Korte Suprema na makakapagparehistro tayo, makakapagpaboto muli tayo ng ating mga PDLs," ani Comelec Chairman George Garcia.

ADVERTISEMENT

"Sila rin, bilang mamamayan ng ating bansa, ay may karapatan na makapaghalal ng kanilang mga napipisil na lider," dagdag niya.

Una nang binawi ng Korte Suprema ang temporary restraining order noong 2016 sa resolusyon ng Comelec para makapagrehistro at makaboto ang mga PDL.

Kasama sa mga nagparehistro si dating Army general Jovito Palparan, na convicted sa kidnapping at serious illegal detention sa student activists na sina Karen Empeño and Sherlyn Cadapan.

Maaaring makaboto ang mga bilanggo sa pamamagitan ng special voting centers sa mga piitan o puwede silang escort-an para makaboto sa regular voting center kung saan sila rehistrado.

Bukod sa NBP, nagkaroon din ng special satellite registrations sa prison facilities sa Mandaluyong, Leyte, Davao, Zamboanga, Palawan, at Occidental Mindoro.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.