Ilang lugar sa Northern Samar binaha dahil sa low pressure area | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Northern Samar binaha dahil sa low pressure area

ABS-CBN News
Published Jan 11, 2023 06:44 PM PHT

Binaha ang ilang bahagi ng Northern Samar dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng isang low pressure area.

Umapaw ang ilog sa Barangay Irawahan, Catubig, Northern Samar dala ng tuloy-tuloy na ulan mula Martes, Enero 10. Dahil dito, lubog na sa baha ang mga bahay na makikita sa padalang video ni Bayan Patroller Ric Daryl Segun.

Ayon kay Segun, nagsimulang tumaas ang tubig Martes na umabot ng lagpas tao sa mga mababang lugar at hanggang baywang naman sa matataas na lugar.

Paunti-unti na aniyang bumaba ang baha sa kanilang lugar, ngunit patuloy pa rin ang pag–ulan. Panawagan niya, sana ay mabigyan na sila ng relief goods ng lokal na pamahalaan.

ADVERTISEMENT
Samantala, kita sa nakuhang video ni Bayan Patroller Sol Dulay Apolong ang pag-apaw ng tubig sa karatig na ilog na pumasok na sa mga bahay sa Barangay Magtaon, Mapanas, Northern Samar nitong Martes ng umaga.

Madalas aniyang bumaha sa kanilang lugar lalo na kapag malakas ang ulan.

Bagamat humupa na ang baha ngayong Miyerkoles ng umaga, patuloy pa rin ang pag-ulan at pagtaas ng tubig sa ilog.

— ulat ni Shadrach S. Corro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT