Mga naapektuhan ng pagputok ng Taal sinisikap pa ring bumangon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga naapektuhan ng pagputok ng Taal sinisikap pa ring bumangon

Mga naapektuhan ng pagputok ng Taal sinisikap pa ring bumangon

ABS-CBN News

Clipboard

Pilit pa ring bumabangon ng mga taga-Agoncillo, Batangas, isang taon matapos pumutok ang Bulkang Taal. ABS-CBN News

Balot pa rin ng abo ang Volcano Island, isang taon matapos pumutok ang Bulkang Taal.

Mula sa Barangay Banyaga sa Agoncillo, Batangas, tinatanaw na lang ni Ebiang Marasigan ang pulo kung saan maayos silang namumuhay dati bilang tour guide.

"Naghahanapbuhay ako, nagpaparipa ako ng mga bigas para 'pag tumama, may kabuhayan," kuwento ni Marasigan.

Dati namang namamasukan sa karinderya si Marilyn Dando.

ADVERTISEMENT

Pero nang pumutok ang bulkan, nawalan siya ng kabuhayan.

"Sobrang hirap, walang hanapbuhay," ani Dando.

Bumalik na rin ang sigla ng pangingisda sa Taal Lake, na pangunahing kabuhayan ng mga residente sa paligid nito.

Nawawalang asawa

Kasabay naman ng pagsisikap na makabangon mula sa trahedya, hindi kinakalimutan ni Gloria Pacumbala ang kaniyang asawang si Alexander Dando, na nawala nang pumutok ang bulkan.

Nakalikas si Dando pero bumalik sa pulo dahil sa mga naiwang gamit.

Nang humupa ang pagputok ng bulkan, hinukay ang kanilang natabunang bahay pero walang natagpuan.

Umaasa pa rin si Pacumbala na magkikita pa silang muli ng kaniyang asawa.

"Iniisip ko na buhay siya... nag-iisip ako baka sakali umuwi sya kasi iniisip ko rin baka siya ay nagkaroon ng memory gap," ani Pacumbala.

Naninirahan ngayon si Pacumbala sa relocation site sa Ibaan, Batangas kasama ang daan-daang pamilyang nawalan ng bahay sa Volcano Island.

Sa paggunita ng pagputok ng Taal sa Martes, umaasa silang magiging permanenteng kanila na ang mga bahay na pansamantalang tinutuluyan para maging tuloy-tuloy na ang pagbangon.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.