100 bahay nasunog sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 03:15 PM | Updated as of Jan 11 2019 05:18 PM

MANILA (UPDATE) - Natupok ang nasa 100 bahay sa Baseco compound sa Tondo nitong Biyernes.

Nagsimula ang sunog bandang alas-11 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma. Idineklara ang fire out pasado alas-12:30 ng tanghali.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala ng sunog. Wala namang naitalang nasawi o nasaktan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.

— Ulat nina Johnson Manabat at Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.