Tradisyunal na sayaw ng Abra ipinakilala sa dance workshop sa Croatia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tradisyunal na sayaw ng Abra ipinakilala sa dance workshop sa Croatia

Tradisyunal na sayaw ng Abra ipinakilala sa dance workshop sa Croatia

TFC News

Clipboard

VIENNA - Nagbigay ng libreng ‘Sakuting’ dance workshop ang Philippine Embassy sa Vienna sa tulong ng Children for a Better World association sa Samobor, Croatia noong December 14, 2022.

Ang ‘Sakuting’ ay tradisyunal na sayaw na nagmula sa probinsya ng Abra. Gumagamit ng patpat ang mga sumasayaw nito at karaniwang isinasayaw bilang bahagi ng house to house Christmas carolling noong unang panahon.

Sakuting1
Ang Philippine Embassy at Permanent Mission representatives mula sa Vienna, Austria kasama ang Children for a Better World Association members sa Samobor, Croatia (Vienna PE photo).

Pinamunuan ni Cultural Officer at Attaché Kristine Camille Cruz ang pagtuturo ng ‘Sakuting’ dance sa mga batang mag-aaral sa primary school at kanilang mga magulang bilang pagpapakilala sa kanila ng kulturang Pilipino.

Ginamit nila ang pinaikling bersyon ng ‘Move with Pinas video’ ng Sakuting’ gamit ang live demonstrations. Bago ang demonstration, ipinaliwanag muna ng instructors ang kasaysayan ng sayaw.

ADVERTISEMENT

Sakuting2
Itinuro ng mga kawani ng Philippine Embassy at Permanent Mission sa mga dumalo ng event ang Sakuting dance. (Vienna PE photo)

Ang dalawang oras na event ay sinimulan ng talumpati ni Leo Petrov, ang pangulo ng Children for a Better World association na sinundan naman ng isang introductory presentation tungkol sa Pilipinas ni Second Secretary at Vice-Consul Patricia Milla.

Sakuting3
Nagbigay ng maikling pagpapakilala tungkol sa kultura, kasaysayan at heograpiya ng Pilipinas si Second Secretary at Vice Consul Patricia Milla (Vienna PE photo)

Sumentro ang presentation ni Milla sa kasaysayan, kultura, heograpiya at turismo ng Pilipinas, maging ang iba pang mga impormasyon tungkol sa bansa.

Sakuting4
Mga pagkaing PIlipino, inumin at tourism brochure na nakadisplay at ipinamimigay sa mga dumalo sa event (Vienna PE photo).

Namigay din ang Philippine Embassy ng local delicacies sa mga dumalo tulad ng ensaymada, local fruit juices, at promotional materials mula sa Department of Tourism (DOT).

Matatagpuan sa Samobor, Croatia ang headquarters ng Children for a Better World Association. Layon ng organisasyon na ipakilala sa kabataan ang kultura ng ibang mga bansa, linangin ang kanilang edukasyon at pagkamalikhain

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Austria at Croatia, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.