Ilang lugar sa Eastern Visayas lubog sa baha; daan-daang pamilya inilikas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Eastern Visayas lubog sa baha; daan-daang pamilya inilikas

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2023 01:51 PM PHT
|
Updated Jan 10, 2023 07:35 PM PHT

(UPDATED) Lubog sa baha ngayong Martes ang ilang lugar sa Eastern Visayas dahil sa buhos ng ulang dala ng low pressure area (LPA), dahilan para ilikas ang daan-daang pamilya sa ilang komunidad.

Sa Eastern Samar, aabot sa 290 pamilya ang inilikas sa evacuation center sa Barangay Barobo, Llorente.

Tumulong pa ang mga sundalo sa pagtawid ng mga residente sa rumaragasang baha dahil hindi na madaanan ng mga sasakyan ang Barobo Bridge matapos umapaw ang tubig.

Sa bayan ng Dolores, nagbabangka na ang mga residente sa Barangay Caglaoan dahil sa taas ng baha.
Sa bayan ng Dolores, nagbabangka na ang mga residente sa Barangay Caglaoan dahil sa taas ng baha.
ADVERTISEMENT
Nag-aalala ang mga residente dahil ang baha sa kanilang lugar ay mula pa umano noong Pasko.

Sa Jipapad, na binaha rin noong Pasko, nagbabangka rin ang mga residente dahil abot-leeg na ang baha sa ilang lugar habang abot-bubong na sa iba.

Umapela na si Jipapad Mayor Benjamin Evardone Ver ng tulong mula sa provincial government dahil sa tindi ng baha.

Sa Catubig, Northern Samar, ilang residente ng Barangay Cagogobngan ang naglikas ng kanilang mga alagang hayop, gaya ng manok at biik.

Nagsimula na kasing tumaas ang tubig-baha sa lugar noong gabi ng Lunes at pumasok na rin sa mga bahay.

Lubog na rin ang maraming bahay sa mga bayan ng Las Navas at Pambujan sa Northern Samar.

Sa kuhang videos ni Bayan Patroller Pablo Baleña Taco sa Brgy. Cababto-an, Pambujan lubog na sa kulay putik na tubig ang kanilang barangay.

Teacher-in-charge si Taco sa Cagbigajo Elementary School pero hindi na aniya siya nakapasok sa eskuwela dahil wala na siyang masasakyan.

Sa mga ibinahaging larawa naman ni Norsa Niloko, makikitang lagpas-tuhod na ang baha sa kanilang lugar sa Las Navas, Northern Samar.

Ayon kay Niloko, Lunes ng tanghali nang magsimulang umulan sa kanila at lagpas alas-2 ng madaling-araw ay nagsimula nang tumaas ang tubig sa kalsada. Wala pang utos sa kanila na mag-evacuate, aniya.

Binaha rin ang ilang bahagi ng Tacloban City, gaya ng downtown area kung saan maraming pasahero ang nahirapang makasakay.

Sa Barangay Suhi, na-stranded naman ang ilang motorista bunsod ng mataas na tubig.

Sa bayan ng San Miguel sa Leyte, hindi madaanan ngayon ang San Miguel-Babatngon Road dahil sa pagguho ng lupa na dulot ng halos walang tigil na pag-ulan.

Nagsuspende na rin ng klase sa ilang lugar sa rehiyon dahil sa masamang panahong dala ng LPA.

— Ulat nina Ranulfo Docdocan, Sharon Evite, Jenette Ruedas
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Eastern Visayas
Eastern Samar
Northern Samar
Tacloban City
Leyte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT