TINGNAN: Mga tanim sa Atok, Benguet binalot ng frost

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2021 12:27 PM

Retrato mula kay PJ Haight

Binalot ng yelo ang mga halaman sa Atok, Benguet ngayong Linggo dahil sa malamig na panahon.

Umabot umano sa 6 degres Celsius ang temperatura sa naturang bayan.

Dahil dito, nabalot sa yelo ang mga pananim, base sa mga retratong kuha ni PJ Haight.

Tuwing Enero hanggang Pebrero ay bumababa talaga ang temperatura sa lugar bunsod ng hanging Amihan.

Retrato mula kay PJ Haight

Retrato mula kay PJ Haight

Retrato mula kay PJ Haight

Samantala, umabot naman sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City nitong umaga ng Linggo.

Ito ang pinakamababang temperaturang naiulat sa lungsod mula nang mag-"Ber" months, ayon sa PAGASA.

Sinabi rin ng PAGASA na asahan dapat ng publiko na hanggang Pebrero mararanasan ang malamig na klima sa lugar.

-- Ulat ni Micaella Ilao

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.