Pulis na bumaril sa mag-ina sa Tarlac, naghain ng not guilty plea | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis na bumaril sa mag-ina sa Tarlac, naghain ng not guilty plea

Pulis na bumaril sa mag-ina sa Tarlac, naghain ng not guilty plea

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 11, 2021 01:44 PM PHT

Clipboard

Mugshot ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca. ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Naghain ng not guilty plea sa kasong murder ang pulis na nakuhanan ng video na bumaril sa dalawa niyang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.

Ayon kay Paniqui Municipal Police Station chief Noriel Rombaoa, isinagawa ang arraignment ng kaso ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca noong Enero 7.

Hindi aktuwal na nakasipot sa korte si Nuezca dahil kasalukuyan siyang nasa 21 araw na quarantine sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa Paniqui.

Sa pamamagitan ng video conference, nabasahan ng sakdal sa 2 bilang ng murder si Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

ADVERTISEMENT

“Naka-isolate pa siya kasi 21 days ‘yung requirements from BJMP,” ani Rombaoa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dumalo naman sa arraignment ang abogado ni Nuezca, ganun rin ang pamilya at abogado ng mga biktima.

Ang susunod na pagdinig sa kaso ay sa Pebrero 4 kung saan inaasahan nang pisikal na makadadalo si Nuezca.

"Normal" lamang ang paghahain ng not guilty plea ni Nuezca, ayon kay Ferdie Villamor, abogado ng pamilya Gregorio.

"'Yun pong napanood natin sa video, nakita ng eyewitnesses, lahat po 'yan ay 'di pa po part ng ebidensiya ng trial proper. Kumbaga as of now the accused is still presumed innocent until proven guilty," aniya sa Teleradyo nitong Lunes.

"Normal lang po yun, ang nangyari po kasi dun lang siya nagkaroon ng abogado. Maaari pong since wala pang panahon o oportunidad na pagaralan ng abogado niya ang kaso, yun po ang naging advice ng lawyer niya na mag apela muna ng not guilty."

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.