Pulis patay sa pamamaril sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay sa pamamaril sa QC
Pulis patay sa pamamaril sa QC
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2019 01:29 AM PHT
|
Updated Jan 10, 2019 05:25 AM PHT

MAYNILA - (UPDATE) Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Project 4, Barangay Marilag, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Venancio Hidalgo na nakadestino sa Police Security and Protection Group sa Camp Crame.

Kuwento ni Patrick Calub, barangay secretary ng lugar, kumakain ang biktima sa isang karinderya nang biglang pagbabarilin.

Umalis agad ang gunman sakay ng motorsiklo. Nakasuot ito ng sweatshirt na orange at full face helmet.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Barangay Marilag Chairman Raul Addatu, mabait ang biktima at walang naging problema sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng SOCO, nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa batok at likuran. Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News