Kahit bawal: Ilang deboto ng Nazareno nakipagsapalaran sumampa sa andas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kahit bawal: Ilang deboto ng Nazareno nakipagsapalaran sumampa sa andas

Kahit bawal: Ilang deboto ng Nazareno nakipagsapalaran sumampa sa andas

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Dumagsa ang libo-libong deboto sa midnight vigil mass para sa Black Nazarene sa Quiapo Church. Maria Tan, ABS-CBN News
Dumagsa ang libo-libong deboto sa midnight vigil mass para sa Black Nazarene sa Quiapo Church. Maria Tan, ABS-CBN News

MAYNILA — Habang umuusad ang Traslacion 2024 sa gitna ng libu-libong mga deboto na nag-aabang sa mga kalye na daraanan ng prusisyon, maraming mga deboto ang nagpipilit pa rin na umakyat sa andas.

Ito ay kahit mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagsampa rito.

Kahit binago na rin ang disensyo ng andas at inilagay na sa loob ng laminated tempered glass case ang imahe ng Black Nazarene, marami pa rin ang umaakyat para makahaplos o makahawak sa imahe na tanging maliit na bahagi na lamang ng dulo ng Krus ang nakalitaw.

Sabi ng 25-taong gulang na si Marlou Gregorio na mula pa sa Alabang, Muntinlupa City halos 20 beses siyang nag-tangkang umakyat hanggang sa magtagumpay siya na makasampa sa andas may bahagi ng P. Burgos Street.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Ipinagpapatuloy lamang umano nila ang pamamanata ng kanilang lolo. Aniya, maituturing itong sakripisyo at pagpapasalamat sa mga ipinagkakaoob na biyaya sa kaniya.

"Lahat po ng hinihiling ko sa kaniya na walang sakit, gabayan araw-araw ang aking pamilya — natutupad lahat ng hinihiling ko sa kaniya. Hindi niya ako binibigo," ani Gregorio.

Hindi naman alintana ni Michelle Ginapo ang mga sugat ng tinamo para lang makahawak sa lubid ng andas.

Sabi ni Ginapo, kahit lubid lamang ang kanyang nahawakan ay nagbigay na ito sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.

“Sobrang sarap po sa pakiramdam dahil nahawakan ko po ang Poon Nazareno," kuwento ni Ginapo.

Mabuting kalusugan ng kaniyang pamilya ang hinihiling ni Michelle sa Black Nazarene.

ILANG DEBOTO NASAKTAN

Hindi maitatangging peligro sa buhay ang kaakibat ng pag-akyat sa andas ng Black Nazarene sa gitna ng libu-libong deboto na nagtutulakan at nagsisiksikan.

Isa sa nasaktan ay si Anthony Cuvidar na napilipit ang braso ng madaganan ng kapwa deboto habang pababa matapos umakyat sa andas. Itinakbo siya ng mga rescue volunteer sa emergency station sa may Taft avenue.

“Bababa na ako, tapos naipit din ng kasamahan ko na nasa harapan ko," kuwento ni Anthony.

Marami pang gaya ni Anthony na deboto at mga nagpilit umakyat ang nilapatan ng lunas sa iba-ibang emergency stations sa ruta ng Traslacion pero wala umano silang pagsisisi dahil ang ginagawa umano nila ay alay nila sa Mahal na Poon ng Itim na Nazareno.

Ang hindi mapigilang pag-akyat ng mga deboto sa andas ang dahilan ng pagbagal ng pag-usad ng traslacion.

Kahit naman umulan kanina ay hindi nito natinag ang dami ng mga tao na sumama at nag-aabang sa pagdaan ng traslacion.

Nakaapak din ang halos lahat ng deboto na sumasama sa Traslacion bilang bahagi ng kanilang pamamata.

Ala-una ng hapon nang makapasok sa Concepcion Aguila St. sa Maynila ang andas.

Pahirapan ang pag-usad dahil dinumog ang andas mga deboto na walang tigil sa pag-akyat sa andas.

Sinasaway na ng mga Hijos ang mga debotong umaakyat pero hindi sila napigilan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.