Presyo ng gulay mula Benguet magtataas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gulay mula Benguet magtataas

Presyo ng gulay mula Benguet magtataas

Marianne Claire Reyes,

ABS-CBN News

Clipboard

LA TRINIDAD, Benguet - Magtataas ng presyo ang ilang gulay mula sa bagsakan dito sa bayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon sa ilang mga negosyanteng kumukuha ng gulay dito, kailangan nilang itaas ang presyo ng mga gulay dahil tumaas ng halos piso ang presyo ng krudo dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

"'Yung mga buyers natin, siyempre, nagta-travel 'yung mga 'yan, so ramdam nila 'yung pagtaas ng krudo. Aside sa pagtaas ng krudo, sumabay 'yung local ordinance natin dito sa municipality. Tumaas din parking fee nila so mabigat 'yung nararamdaman nila sa mga ginagastos nila," ani Norberto Vicente, isa sa mga nagtitinda ng gulay sa pamilihan ng La Trinidad.

"Kung puwede i-times 3 o i-times 2 'yung presyo, dahil sa taas ng krudo... at 'yung gulay ngayon, minsan nasisira din 'yung gulay, kailangan itaas 'yung presyo," hirit ni Dante Orabillo, isa sa mga negosyanteng namimili ng gulay dito para ibenta sa Pampanga, Tarlac at Divisoria.

ADVERTISEMENT

Nakadepende sa bawat trader kung magkano nila ibebenta sa ibang lugar ang mga gulay na inangkat mula sa Cordillera.

Giit ng mga magsasaka, kahit na nagtaas na ng presyo ang mga negosyante, hindi pa sila nagtataas ng presyo ng panindang gulay.

"Minsan kasi kapag nag-deliver ka ng gulay dito, binabarat. Wala kang magawa kasi kapag 'di mo binigay, 'yung gulay nasisira," ani Vicente.

Ngunit inaasahan ng mga maggugulay na magtataas na rin sila ng presyo sa oras na ipatupad na ang karagdagang buwis sa gasolina sa ilalim ng tax reform law ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.