Higit 7,000 na residente sa Bulacan inilikas dahil sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 7,000 na residente sa Bulacan inilikas dahil sa baha

Higit 7,000 na residente sa Bulacan inilikas dahil sa baha

Jose Carretero,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 08, 2023 07:15 PM PHT

Clipboard

Nasa 7,198 na indibidwal ang kinalangang lumikas mula sa kanilang mga bahay dahil sa pagbaha sa Bulacan. Jose Carretero, ABS-CBN News
Nasa 7,198 na indibidwal ang kinalangang lumikas mula sa kanilang mga bahay dahil sa pagbaha sa Bulacan. Jose Carretero, ABS-CBN News

BULACAN — Nanatili evacution center ngayong Linggo ang nasa 2,198 na pamilya o 7,198 na indibidwal sa Bulacan matapos ilikas nitong Sabado dahil sa baha.

Ayon sa mga residente, Huwebes ng gabi nang magsimulang tumaas ang tubig sa kanilang lugar.

Araw ng Biyernes nagpakawala ng tubig ang Angat at Ipo dam, kaya mas nalubog sa baha ang mga bahay.

Watch more News on iWantTFC

Paliwanag ng mga residente, alam naman nila na magpapakawala ng tubig ang mga dam, pero hindi umano nila inasahan na ganoon kataas ang aabutin ng baha.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga inilikas ang mga taga-bayan ng:

  • Pulilan (5 pamilya o 25 inibidwal)
  • Plaridel (65 pamilya o 238 indibidwal
  • Baliwag (1,498 pamilya o 6,487 indibidwal)
  • Angat (46 pamilya o 20 indibidwal)
  • San Rafael (114 pamilya o 400 indibidwal)
  • Norzagaray (470 pamilya)

Sa Norzagaray, isa sa mga naapektuhan ng baha ang Barangay Matiktik. Nasa 257 na pamilya o mahigit isang libong indibidwal ang inilikas noong Biyernes ng umaga.

Nasa covered court ng barangay nakikisilong ang mga evacuee. Panawagan nila, mabigyan sila ng mga damit at pagkain.

Sa paghupa ng baha, posibleng makabalik na sila ngayong araw sa mga bahay.

Problema na lang, ayon sa mga residente, ang paglinis sa makapal na putik na iniwan ng baha.

Isang bahay ang naiulat na nasira dahil sa pagbaha.

Related video:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

Bulacan

|

flood

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.