2 bata nalunod sa ilog sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 bata nalunod sa ilog sa Rizal
2 bata nalunod sa ilog sa Rizal
ABS-CBN News
Published Jan 08, 2023 02:06 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Dalawang batang lalaki ang nalunod sa isang ilog sa Morong, Rizal noong Sabado, sabi ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Morong police, nagtungo noong tanghali ng Sabado sa Morong River sa Sitio Butig ang 2 bata kasama ang ilan nilang kalaro para maligo.

Pero bandang alas-2 ng hapon, habang nagkakasiyahan ang mga bata, naanod ng malakas na agos ang dalawa at natangay sa malalim na bahagi ng katubigan.

Agad umanong nagkasa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Morong police, fire department at disaster office matapos humingi ng tulong ang ibang kasama ng mga nasawi.

Narekober ang bangkay ng mga bata bandang alas-9:30 ng gabi.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan at pulisya ng Morong sa mga residente na iwasan munang maligo sa ilog dahil sa panganib ng biglang paglaki ng tubig at paglakas ng agos, bunsod anila ng pag-ulang nararanasan nitong mga nagdaang araw.

— Ulat ni Ronilo Dagos
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT