TINGNAN: Pagguho ng lupa sanhi ng pag-ulan, naitala sa Southern Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 05:13 PM

Pansamantalang hindi makadaan ang anumang uri ng sasakyan sa highway sa bahagi ng Barangay Kahupian sa Sogod, Southern Leyte dahil sa pagguho ng lupa na bunsod umano ng mga pag-ulan. Larawan mula kay Melissa Cañete Guiñarez

Gumuho ang lupa sa bundok sa tabi ng highway sa Barangay Kahupian sa Sogod, Southern Leyte, Biyernes ng madaling araw.

Ang landslide ay bunsod umano ng mga pag-ulang naranasan sa Southern Leyte at iba pang bahagi ng Eastern Visayas.

Dahil dito, pansamantalang isinara sa anumang klase ng sasakyan ang nasabing kalsada.

Agad namang nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Southern Leyte Engineering District.

Sa ngayon ay madaraanan na muli ng mga sasakyan ang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.