School supplies handog sa mga estudyanteng naperwisyo ng Ursula sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 02:27 PM | Updated as of Jan 08 2020 07:42 PM

Hinandugan ng Lingkod Kapamilya ng school supplies ang mga estudyante ng isang elementary school sa bayan ng President Roxas, Capiz. ABS-CBN News

Nahatiran ng school supplies ng Lingkod Kapamilya ang mga estudyante ng Pondol Elementary School sa bayan ng President Roxas, Capiz.

Nabigyan ng mga notebook, papel at ballpen, bukod sa iba pa, ang mga batang nasa kindergarten hanggang grade 6.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukod sa school supplies, nabigyan din ng teaching kit at iba pang office supplies ang mga guro ng paaralan.

Ang tulong ay tugon ng Lingkod Kapamilya sa panawagan ng mga guro na bagong school supplies matapos malubog sa baha ang kanilang eskuwelahan dahil sa bagyong Ursula.

Sa kabuuan, higit 7,000 pamilyang biktima ng bagyong Ursula na ang nahahatiran ng tulong ng Lingkod Kapamilya.

—Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.