P120-M smuggled na bigas nasabat sa cargo ship | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P120-M smuggled na bigas nasabat sa cargo ship

ABS-CBN News
Published Jan 08, 2018 11:43 AM PHT

MANILA - Nasabat ng Philippine Coast Guard ang nasa P120 milyon na halaga ng smuggled na bigas sa karagatang sakop ng Olutanga, Zamboanga Sibugay nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa PCG, nakuha ang 60,000 sako ng bigas sa Liberian-flagged cargo ship na MV J-Phia.

Nagkasa ng operasyon laban sa naturang barko makaraang makatanggap ng ulat na may dala-dala itong mga kahina-hinalang kargamento na inilipat mula sa isa pang foreign vessel sa Sulu Sea.

Sinabi ng kapitan ng MV J-Phia na galing umano sila sa Cagayan de Oro City, pero nabigo itong magpakita ng sapat na dokumento.

Dinala sa Zamboanga port ang cargo ship habang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang kapitan at crew nito.

Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT