AFP chief Centino nanawagan ng pagkakaisa sa hanay ng militar | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

AFP chief Centino nanawagan ng pagkakaisa sa hanay ng militar

AFP chief Centino nanawagan ng pagkakaisa sa hanay ng militar

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 07, 2023 07:30 PM PHT

Clipboard

Screenshot mula sa RVTM.
Screenshot mula sa RVTM.

MAYNILA — Nanawagan ng pagkakaisa sa hanay ng militar ang ibinalik na Armed Forces of the Philippines chief of staff na si General Andres Centino ngayong Sabado.

Watch more News on iWantTFC

Sinabi niya ito sa turnover ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City isang araw matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang hepe muli ng Sandatahang Lakas. Pinalitan niya si Lt. Gen. Bartolome Bacarro, kung kanino niya ipinasa ang posisyon noon lamang Agosto.

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang change of command ceremony, na dinaluhan rin ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

Ayon kay Centino, kailangan ng militar ng mga matatag at determinadong pinuno para pangunahan ang patuloy na modernisasyon at pagiging mas propesyonal ng AFP.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, hindi dapat pagmulan ng pagkakawatak-watak o iringan ang pagbibigay kahulugan sa mga probisyon ng Republic Act 11709 na nagtatalaga ng termino para sa mga matataas na opisyal ng militar.

Sa halip, aniya, dapat tutukan ng AFP ang iba pa nitong mas mahalagang mandato gaya ng pagbantay sa seguridad ng Pilipinas at pagtugon sa mga kalamidad.

Nanungkulan si Centino bilang AFP Chief of Staff mula Nobyember 2021 hanggang Agosto 2022.

Sa ilalim ng batas na pinasa noong 2022, magsisilbi siya ng 3 taon, kahit mararating na niya ang mandatory retirement age na 56 sa susunod na buwan.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.