Bata nalunod sa Talayan Creek sa QC; kalaro hinahanap | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata nalunod sa Talayan Creek sa QC; kalaro hinahanap

Champ de Lunas,
ABS-CBN News
Published Jan 07, 2023 10:32 AM PHT

Ang dapat sana'y masayang paglalaro lang ng mga bata ay nauwi sa isang trahedya matapos umanong malunod ang isa sa kanila sa Talayan Creek sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon.

Ligtas naman ang dalawang kalaro ng biktima na may edad 15 at 17.

Madaling araw ngayong Sabado nang matagpuan ang bangkay ng 11 anyos na biktima.

Pero patuloy pa rin ang paghahanap sa isa pa nilang kasama na 12 anyos.
Pero patuloy pa rin ang paghahanap sa isa pa nilang kasama na 12 anyos.
ADVERTISEMENT
Pangamba nila, baka nalunod na rin ito.
Pangamba nila, baka nalunod na rin ito.
Kuwento ng nanay ng nawawalang bata, bandang alas-5 ng hapon nitong Biyernes habang siya’y nasa trabaho ay nakatanggap siya ng video call tungkol sa masamang balita.

Pangamba niya, wala na ang kaniyang bunsong anak na si Edgardo Abraham Reyes Jr.

"Apat sila. 'Yung dalawa, nakaligtas. 'Yung dalawa, tumaob daw 'yung styro kaya hindi na sila umahon," ani Mecha Mansueto, ina ng nawawalang bata. "Malakas daw yung ulan nung pumunta sila pero di naman umaapaw."

Anim na oras ang inabot ng paghahanap nitong Biyernes ng gabi pero hindi nakita si Reyes.

Kinalaunan, kinailangan nang itigil ang search and rescue operations dahil kailangan munang linisin ang creek dahil mahihirapan umanong sumisid ang mga kawani ng Philippine Coast Guard.

Nasa tatlong dump trucks ang tinatantiyang dami ng basurang kailangan hakutin bago masiyasat ang bahagi ng estero.

Hihingi na rin ng tulong ang barangay sa MMDA para maalis ang mga nakatambak na basura sa lugar at maituloy ang paghahanap.