Gobyerno hinimok maglaan ng budget para sa COVID-19 vaccine ng maliliit na LGU | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gobyerno hinimok maglaan ng budget para sa COVID-19 vaccine ng maliliit na LGU

Gobyerno hinimok maglaan ng budget para sa COVID-19 vaccine ng maliliit na LGU

ABS-CBN News

Clipboard

Inihahanda ng pharmacy manager na si Larren Suh ang isang dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Massachusetts General Hospital sa Boston, Massachusetts sa Estados Unidos noong Disyembre 16, 2020. Craig F. Walker, Pool/Reuters

MAYNILA - Nanawagan ang samahan ng mga provincial government na maglaan ang gobyerno ng pondo para sa kanilang coronavirus disease (COVID-19) vaccine procurement.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines (LPP) President Presbitero Velasco, maliit lang ang kita ng ilang probinisiya, partikular ang mga may 3rd-, 4th-, at 5th-class municipalities.

Halimbawa, ayon kay Velasco, ang Marinduque, na pinamumunuan niya bilang gobernador.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Wala umano sa kanilang budget ang procurement ng bakuna dahil nakalaan ang kanilang pondo sa recovery at COVID-19 response.

ADVERTISEMENT

Pero handa naman daw nilang i-realign ang budget para makahanap ng pondo.

"Magagawa naman po kami ng representasyon sa IATF para masabi namin 'yung mga nangangailangan ng pinansiyal na tulong sa procurement ng vaccine. As a matter of fact, kinakalap po namin ang mga requirements ng mga probinsiya at doon po isa-submit po namin sa IATF. So ganoon po ang mangyayari, mailalahad naman po namin sa IATF 'yung talagang humihiling ng tulong sa pagbili ng bakuna," ani Velasco.

Hiling ng LPP, tulungan sila ng national government at mabigyan din ng prayoridad.

Puwede rin aniyang tulungan ng mayayamang lokal na pamahalaan ang mga nangangailangang probinsiya.

Nabanggit naman ni Health Sec. Francisco Duque III na tutukuyin na ng pandemic task force ang mga lugar na bibigyang prayoridad sa pagbabakuna para sa sakit.

May inaprubahan ding tripartite agreement si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng mga LGU, national government, at mga pharmaceutical firm para sa pag-procure ng bakuna kontra COVID-19.

"Hindi naman ito (These are not) for commercial use, these vaccines. This is really going to be a national government effort with the President’s approval of the LGUs supporting the national government," ani Duque sa ABS-CBN News Channel.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.