Economic provisions unang tatalakayin ng Kamara sa panukalang pagamyenda sa Konstitusyon- Garbin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Economic provisions unang tatalakayin ng Kamara sa panukalang pagamyenda sa Konstitusyon- Garbin

Zandro Ochona,
ABS-CBN News
Published Jan 07, 2021 05:14 PM PHT
|
Updated Jan 07, 2021 08:07 PM PHT

MAYNILA — Aarangkada na sa Miyerkoles ang muling pagtalakay ng Kamara sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon, pero pinawi ng ilang mambabatas ang pangamba na magagamit ang pagkakataon para palawigin ang termino ng mga nasa puwesto.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments chairman Rep. Alfredo Garbin, inatasan siya ni House Speaker Lord Allan Velasco sa kanilang pagpupulong na talakayin sa komite ang Resolution of Both Houses No. 2.

Ito ay inihain ni Velasco noong July 18, 2019 noong hindi pa siya House Speaker.

Kabilang kasi sa panukala ni Velasco ang pag-amyenda sa Articles 12, 14 at 16 na nagtatakda ng mga panuntunan hinggil sa foreign ownership o pag-aari at pangangasiwa ng mga banyaga sa mga negosyo sa bansa.

“Gusto niya 'yun i-relax, i-ease 'yung restriction at maging flexible at lagyan ng phrase "unless otherwise provided by law" so congress has the flexibility whether to legislate a more open to foreign capitals or foreign direct investment pagdating ng oras na kailangan ng sitwasyon,” paliwanag ni Garbin.

Kabilang din sa pagpupulong nitong Miyerkoles si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Rep. Mike Aglipay.

Sabi ni Aglipay, batid ng House Speaker na marami nang isyu ang kinaharap ng panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas kaya para maiwasan ang hindi pagkakasundo nila ng Senado ay boboto nang hiwalay ang dalawang kapulungan.

Wala na rin aniya ang mga political provisions.

“Kasi madami nagpu-push ng political pero definitely the Speaker put his foot down na economic provisions only,” ani Aglipay.

Timing ng panukala binatikos
Hindi naman sang-ayon dito ang Makabayan Bloc sa Kamara. Tingin nila, paraan ito para sa term extension.

“Nasa gitna ng pandemya bigla binuhay usapan… barely 1.5 years natitira… mahigit 4 na taon day 1 pa lang talagang nilukutang iskema…para ma-extend power… [nandiyan ang revolutionary government,] charter change,” sabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate

“Binabalik charter change [Cha-cha] para raw baguhin econ… pero alam naman natin ginagawa lang dahilan ito… pero talagang pagtutulak political na pagbabago,” dagdag niya.

Para naman kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, hindi puwedeng isulong ang cha-cha sa gitna ng pandemya.

“Consti reform will give relief… ‘di sagot pagtatanggal [ng] foreign restrictions sa mga [industriya]… Liberalization causes various shocks… what we need alternative fact focused on agrarian reform and national industrialization… ‘Di Cha-cha kung political talaga agenda… lalo [constitutional assembly] plano amending constitution,” giit ni Brosas.

Sinabi rin ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na bagamat sinusuportahan niya ang charter change, hindi naaayon na magsagawa nito sa gitna ng pandemya.

“I am for it, but the question is timing, and today, while we are still battling the COVID-19 pandemic and not achieving much success, is not the right time,” aniya.

Sa huli, binigyang diin ni Garbin na nasa kamay pa rin ng taumbayan ang pagpapasya kung napapanahon nga ba ang pag-amyenda sa saligang batas.

“It is them who will approve any proposed amendment to the Constitution, they have this power of ratification a testament that sovereignty resides on the people, they have their representatives pero pagdating ng oras sila rin ang magraratipika sa paraan ng isang plebisito,” sabi ni Garbin.

Target ng Kamara na maipasa ang panukala bago matapos ang taon upang maihabol ang plebisito sa gaganaping 2022 Presidential Elections.

Read More:
Charter change
Cha-cha
Kamara
House of Representatives
Constitution
COVID-19
economic provisions
Makabayan Bloc
Garbin
Alfredo Garbin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT