PatrolPH

Dating kagawad, patay sa pamamaril sa Biliran

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2021 12:05 PM

Dating kagawad, patay sa pamamaril sa Biliran 1
Nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito sa Biliran. Larawan mula sa Biliranisland.com

Patay ang isang kagawad ng barangay matapos barilin ng riding-in-tandem, Miyerkoles ng hapon sa bayan ng Naval sa Biliran.

Nakilala ang biktima na si Romeo “Rome” Berdida, 55-anyos, at dating kagawad ng Barangay Larrazabal.

Sa imbestigasyon ng Naval Police Station, nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo ang biktima na siyang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa ilang mga saksi, nakarinig sila ng magkasunod na putok ng baril at huli na nilang nalaman na naging target pala ang dating kagawad.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad tungkol sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.