TIPS: Paano makakaiwas sa 'basag-kotse' modus? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Paano makakaiwas sa 'basag-kotse' modus?

ABS-CBN News
Published Jan 07, 2020 06:24 PM PHT
|
Updated Jan 07, 2020 06:58 PM PHT

MAYNILA - Matapos basagin ang bintana ng kotse ng isang kongresista at tangayin ang libo-libong pisong halaga ng ari-ariang nakalagay rito, nagbabala ang Quezon City Police District kontra sa mga gumagawa ng "basag-kotse" modus.

Sa datos ng QCPD, may 72 insidente ng basag-kotse na naitala sa Quezon City noong 2019.

Malimit umatake ang mga ganitong modus tuwing gabi, kung saan inaasahang tulog ang karamihan, ayon kay Police Capt. Haina Asalan, QCPD public information office chief.

Pero may pagkakataon din na kapag umaaraw ay umaatake ang mga kawatan.

ADVERTISEMENT
Payo ng pulis, iwasang iparada ang sasakyan sa madilim at mataong lugar. Sa halip, pumarada sa lugar na mayroong CCTV.

Dapat ding lagyan ng alarm ang sasakyan, at huwag mag-iwan ng ano mang mahahalagang gamit sa loob.

Maaalalang natangayan ng P240,000 halaga ng ari-arian ang kotse ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na nakaparada sa isang kalsada sa QC. Nabatid na walang CCTV sa lugar na pinaradahan ni Taduran.

Kapag naman nawala ang ignition key, ay dapat agad palitan ang ignition switch.

At ayon kay Asalan, dapat ding maging mapagmatiyag sa paligid.

"Huwag ipagkakatiwala ang sasakyan sa ibang tao. Maging mapagmatiyag po tayo. Kung maaari, may guardiya na maaari mong pagkakatiwalaan," ani Asalan.

Tiniyak naman ng QCPD at mga barangay tanod na magpapatuloy ang kanilang pagroronda para mahuli ang mga kawatan na posibleng umatake ng mga sasakyan.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT